álan


la·nâ

png |[ Tau ]

lá·na

png
1:
[ST] langis ng linga
2:
[Bik Hil Ilk Seb War] langís
3:
[Esp] wool
4:
Bot uri ng maliliit na saging.

la·náb

png |[ ST ]
:
umpisa ng daan.

lá·nab

png
1:
masebong substance na lumulutang sa gatas o sabaw var línab
2:
ulo ng bahâ
3:
agos ng tubig tabáng patúngo sa dagat.

la·nág

png |Med |[ ST ]
:
labis na pagdanak ng dugo.

la·ná·gon

png |Bot

la·nák

png |[ ST ]
:
pagtakip sa bibig na may lamáng mainit na tubig, sili, apog, at katulad.

lán-ak

png |Heo |[ Ilk ]

lá·nam

png |[ Kap ]

la·náng

pnr
1:
makinis, patag, payak at walang palamuti
2:
pinatag at pinakinis na rabaw.

lá·nang

pnb |[ Png ]

lá·nang

png |[ Ilk ]

la·ná·ngan

png |Heo |[ ST lanang+an ]
1:
lupang walang patubig
2:
taniman ng gabe, karaniwang pook na mataas, at hindi nabababaran ng tubig.

Lanao del Norte (lá·naw del nór·te)

png |Heg
:
lalawigan sa gitnang Mindanao ng Filipinas, Rehiyon XII.

Lanao del Sur (lá·naw del sur)

png |Heg
:
lalawigan sa gitnang Mindanao ng Filipinas, Rehiyon XII.

la·náp

pnr
:
lubog sa tubig.

la·nás

png |[ Ilk ]

la·nás

pnr
2:
nalansag o nakalag.

lá·nas

png
1:
bunga na nabulok o nadurog
2:
Bot [Tbo] pinyá

la·nát

pnr
:
hindi makalakad dahil sa kapayatan o kahinaan ng katawan.

lá·nat

pnr |[ Kap ]

la·ná·tan

png |Zoo

la·nat·sáy

png |Zoo
:
maliit na hasà-hasà : LIMATSÁY

la·náw

png |[ ST ]
:
galúgad — pnd la·na·wín, mag·la·náw.

lá·naw

png
1:
Heo [Hil Ilk Mag Seb Tag Tau War] lawà
2:
[ST] bútas ng palayok
3:
[ST] inuming gawa sa mais na hindi nalutòng mabuti o hindi masyadong nainit
4:
[Bik] mantikang lusaw
5:
[Hil] pagmamasid nang mabuti.

la·náy

png |Kem

la·náy

pnr
:
kalát o kumálat na likido, gaya ng langis o tintang tumapon.

lá·nay

pnd |lu·má·nay, mag·lá·nay, man·lá·nay |[ ST ]
1:
lagyan ng langis o tinta
2:
Med lumaki ang súgat
3:
tumaas ang baha.

land

pnd |[ Ing ]
:
lumunsad, kung mula sa sasakyang-dagat, o bumabâ, kung mula sa himpapawid.

land

png |[ Ing ]

lan·dá

png |[ ST ]
:
puluhan ng palakol.

lan·dág

png
1:
Mil estratehiya upang mapalabas ang kaaway sa pinagtataguan hábang naghihintay sa pag-atake
2:
Bot [ST] lantang dahon ng saging
3:

lan·dák

png |[ ST ]
1:
malalakíng patak ng ulan
2:
pagpuputik ng silong ng bahay na yarì sa kawayan dahil sa ulan o sa karamihan ng tao.

lan·dáng

png |Med |[ ST ]
:
pagsigla ng nagkalagnat.

lan·dás

png
1:
[Kap Tag] daan makitid at karaniwang para sa naglalakad lámang : DANÁ, LALÁGAN Cf BAGNÓS — pnd lan·da·sín, mag·lan·dás
2:
kadulasan o pagiging madulas

lán·daw

pnr |[ War ]

lan·dáy

png
1:
balangkas o rabaw na nakakurba palabas, gaya ng eksteryor ng anumang bilóg o espero Cf LUKÓNG — pnr ma·lan·dáy
2:
[ST] pansamantalang kubo para sa isang gabi
3:
tao na isinílang at lumaki sa bundok.

lán·day

png
1:
[Kap] patpát
2:
Med [Seb] ménopós.

lan·dì

pnr
1:
mahilig hawakan at laruin ang isang bagay
2:

lan·dî

png |[ Kap Tag ]
1:
tawag sa babaeng magaslaw kumilos at may saloobing mapanukso o mapang-akit : BIGÁON, GARAMPINGÁT, GITÍLON, HÁTSA, ÍRGAT, KIRAGÓN, TAKYÔ, TALÁNDEW, TALÁNDIT, UWÁGON Cf ALÉMBONG, KIRÍ
2:
babaeng hayop na nag-hahanap ng katalik o sex : AGMÁYA, HIGÁL, HIMÁNGGAS, KANDÍ, MANMÁYA, ÓSTRUS, PAMÁGAT — pnr ma·lan·dî.

lan·díng

png |[ Ilk ]
:
tawag sa mga Ilokanong naninirahan at tumanda na sa Hawaii.

lán·ding

png
1:
[Ing] palapagan ng eroplano
2:
[Ing] paraan ng pagbabâ o paglapit sa lupa : LAPÁG
3:
Mit sa sinaunang lipunang Bisaya, multo o aparisyon.

lan·dít

pnr |[ ST ]
:
mapanukso at malibog.

lan·dí·wak

png |Zoo |[ Mrw Seb Tau ]

landlady (land·léy·di)

png |[ Ing land+lady ]
:
babaeng may-ari ng paupahang bahay.

lánd·lord

png |[ Ing ]
1:
laláking may-ari ng paupahang bahay
2:
panginoong maylupa.

lánd·mark

png |[ Ing ]
2:
mahalagang pangyayari o tagum-pay na bumago sa takbo ng kasaysayan.

lán·do

png |[ Esp ]
:
karwaheng apat ang gulóng, magkaharap ang upuan ng pasahero at natitiklop ang bubong.

lan·dók

png
1:
[Kap Ilk Tag War] mahabàng piraso ng kahoy na may bakal sa isang dulo at ginagamit na pantikwas ng mabigat na bagay : LANDÓL Cf BARÉTA DE-KÁBRA
2:
Kem [Ilk] bákal
3:
Bot uri ng palay na matagal mahinog at putî ang butil.

lan·dól

png |Mek

lan·dóng

png
1:
[ST] piraso ng tela na ginagamit na talukbong o takip ng kama o bandera
2:
Med [ST] panandaliang lagnat
3:
Med malalamáng tissue na naiiwan pagkatapos ng amputasyon
4:
Zoo mahabàng utóng, lalo sa mga báka.

lán·dong

png |[ Seb ]

lan·dós

pnr
1:
hindi nakasuot ng uniporme o tamang kasuotan

lan·dóy

png
1:
galaw ng mga súso ng babae kapag tumatakbo
2:
paglawit ng bunga ng halámang baging na nása balag
3:
tela o damit na hindi pantay ang laylayan — pnd i·lan·dóy, lu·man·dóy, mag·lan· dóy.

land re·fórm

png |[ Ing ]
:
repórmang agráryo.

lan·drí·na

png |Bot
:
damo (Borreria hispida ) na mabalahibo.

landscape (lánd·is·keyp)

png |[ Ing ]
2:
Sin uri ng pintura na naglalarawan nitó ; o larawan ng tanawing ito
3:
sa paglilimbag, pahaláng na oryentasyon ng papel Cf PORTRAIT

landslide (lánd·is·láyd)

png |[ Ing ]
1:
pagguho ng lupa mula sa mataas o matarik na pook
2:
sa eleksiyon, pagdagsa ng boto ng nanalong kandidato.

lane (leyn)

png |[ Ing ]
1:
makitid na daan sa pagitan ng mga bakod : PISTÂ
2:
tsanel ng tubig para sa sasakyang-dagat : PISTÂ
3:
markadong daan sa lansangan para sa wastong direksiyon ng mga sasakyan : PIST Â
4:
markadong daan para sa bawat kalahok sa karera o takbuhan : PISTÂ

la·né·te

png |Bot
:
malaki-laking punongkahoy (Wrightia pubescens ) na 30 m ang taas, may mga dahong habilog, at may kahoy na ginagamit sa konstruksiyon, lapis, kasangkapang pangkusina, at katulad : ANATÓNG, LAMÍSI, MANLAGÓSI

lang

pnb |[ Seb Tag ]
:
pinaikling anyo ng lámang.

la·ngá

png
1:
[ST] pagkain o pag-inom nang ipinapasok ang ulo sa sisidlan — pnd i·la·ngá, lu·ma·ngá
2:
[ST] pagkaligaw o pagkawala, gaya ng kalapating hindi makabalik sa pinanggalingan
3:
[Ifu] pangkó
4:
Bot [Iba] lingá

la·ngá

pnr |[ ST ]

la·ngâ

png |Zoo
:
isdang-alat na kahugis ng malakapas ngunit higit na matigas ang kaliskis, lamán, at palikpik, humahabà nang 5 sm at 2.54 sm ang lápad.

la·nga·áng

pnr
:
maluwag o hindi maayos ang pagkakasalansan.

la·ngáb

png |[ ST ]
1:
pagsahod at pag-iipon ng tubig-ulan na dumadaloy sa alulod — pnd lu·mab·ngáb, mag·lab·ngáb
2:
pagkakabit-kabit ng kahoy.

la·ngáb

pnr
:
nakabukás ; walang takip.

la·ngág·la·ngág

png |Ana |[ Seb ]

la·nga·ká·pan

png |[ Hil ]
:
kawayang papag na ginagamit sa paghahatid ng maysakít sa manggagamot o ng patay sa libingan.

lá·ngal

png |[ ST ]
1:
paglabas ng dáting nakatago o pagsisikap na maalala ang isang bagay na nalimot na
2:
malalim o nakalubog na mga mata.

la·ngá·la

png |Bot |[ Hil Seb War ]

la·ngá·la·ngá·a

png |Bot
:
yerba na inihahalò sa pagkain ng mga áso upang higit itong tumapang.

la·ngán

png
:
pagtuturò o pagsasánay sa mga hayop o batà — pnd mag·la·ngán, i·la·ngán, la·nga·nín.

la·ngán

pnr
:
láyaw ; ukol sa kalayaan.

lá·ngan

png
:
pag-iingat sa paggamit na anumang ari-arian — pnd i·lá·ngan, mag·lá·ngan.

la·nga·ngán

png
:
tagdan ng sibat.

la·ngáp

png
:
pinaikling anyo ng langháp.

láng-ap

png
:
paglagok o pag-inom nang mabilis.

la·ngá·ray

png |Zoo
:
isdang-alat (family Ambassidae ) na walang kaliskis at maliit.

la·ngá·ray-pa·kô

png |Zoo
:
isdang-alat na kapamilya ng gúnok (Atherina forskali ) na may makinis na kaliskis : BULÍNAW, PILIPITÍN, TÍI

la·ngás

png |[ Seb ]
1:
Bot ligás

la·ngás

pnr |[ Seb ]
:
mapang-abála ; nakayayamot — pnd la·nga·sán, mag·la·ngás.

la·ngas·ngás

png |[ ST ]
:
tunog ng nagtatagis na ngipin Cf LANGITNGÍT

la·ngát

pnr
:
manipis at naaaninag.

lá·ngat

png |[ ST ]
1:
bagay na manipis, tulad ng sombrero
2:
paglikha ng pingas o mga tanda sa kawayan o kahoy.

lá·ngaw

png |Zoo |[ Bik Hil Iba Mag Mrw Seb Tag War ]
:
kulisap (family Muscidae ) na may dalawang pakpak at nangingitlog sa maruruming pook : APÁNGAT, FLY, LANGÒ, NGÍLAW, TÉNDEK Cf BÁNGAW

la·nga·wán

png |Zoo
:
tandang na may balahibong itim at batík na putî.

la·nga·wén

png |Zoo |[ Ilk ]
:
uri ng tandang na may pulá at putîng balahibo.

la·ngáy

png |[ ST ]
:
pagpútol o pagbali sa sanga ng punongkahoy, sa dahon ng saging, at palmera — pnd la·nga·yín, man·la·ngáy.

la·nga·yák

pnr |[ ST ]

la·ngáy-la·ngá·yan

png |Zoo
:
maliit na ibon (family Hirundinidae genus Hirundo ) na migratoryo, may maikling tukâ, mahabàng buntot, at maliliit na paa : GOLONDRÍNA, SÁLANG, SÍBAD-SÍBAD, SWALLOW Cf SARÁNG-LÚMOT

lang·bá

png |Bot |[ ST ]
:
paglago ng mga punongkahoy o mga halaman.

lang·bó

png |Bot |[ War ]

lang·bú

png |Zoo |[ Seb ]

lang·dáy

pnr |[ War ]

lang·dét

png |[ Ilk ]

lang·dò

png |Lit |[ Seb ]

lang·gâ

png
1:
pagtungga ng tubâ o alak sa tása o baso
2:
unti-unting paglagok, karaniwan ng mataas na uri ng alak — pnd i·pa·lang·gâ, lang·ga·ín, lu·mang·gâ.

láng·ga

png |[ Ara ]
:
parihabâng pook dalanginan ng mga Muslim.

láng·gal

png |[ Mrw Tau ]
:
sa mga Muslim, pook na sambahan at higit na maliit sa masjid.