• ba•li•sá
    pnr
    :
    hindi mapalagay; ligalíg ang kalooban
  • ba•lí•sa
    png
    1:
    [Kap Seb Tag] pakiramdam na hindi mapalagay at kinakabahan; karaniwang dahil sa isang nalalapit na pangyayari o hindi matiyak na kahihinatnan
    2:
    [Kap Seb Tag] lunggating gawin ang isang bagay dahil sa pakiramdam na hindi mapalagay at kinakabahan
    3:
    [Kap Seb Tag] isang pinsala sa nerbiyos na nagdudulot ng labis na kabá at labis na hindi mapalagay, at karaniwang may kasanib na pabigla-biglang sindak
    4:
    [ST] pagmamadali na may magulong iniisip