pamaltik


pa·mal·tík

png |[ pang+paltik ]
:
laruang pantudla, hugis Y ang tagdan, may nakakabit na gomang katamtaman ang lapad sa dalawang dulo at may maliit na katad na lalagyan ng bala na nása gitna ng goma : ALIMBÁYONG, BÁDLUNG, LIMBÁYONG, PALSÍIT, TIRADOR1