tuldik pahilis


tul·dík pa·hi·lís

png |Gra |[ tuldík pa+hilis ]
1:
tuldik (´) sa mga salitâng mabilis at matatagpuan sa hulíng patinig ng salita, hal gandá, tagál
2:
tuldik (´) sa mga salitâng may diing malumay at matatagpuan sa pangalawa sa hulíng patinig, hal gábe, bayábas
3:
tuldík sa mga salitáng may tatlo o mahigit na pantig at nangangailangan ng wastong diin sa unang pantig, hal para maibukod ang bigkas ng kátuwáan sa katuwaán at mánggugúlo sa mangguguló.