-ion.


ion (á·yon)

png |Kem |[ Ing ]
:
atom o pangkat nitó na may kargang elektrisidad at nabuo dahil sa pagka-wala o pagdaragdag ng isa o higit pang elektron.

Ionia (a·yó·ni·yá)

png |Heo |[ Ing ]
:
sinaunang rehiyon sa kanluraning baybayin ng Asia Minor at nása kalapit na mga pulo sa Aegean.

Ionian Sea (a·yón·yan si)

png |Heg |[ Ing ]
:
Dagat Ionian.

Ionic (a·yó·nik)

pnr |[ Ing ]
1:
Ark hinggil sa estilo ng arkitekturang Griego na ang mga kolumna ay may hugis na nirolyong manuskrito o rolyo sa tuktok
2:
Lgw nahihinggil sa sinaunang diyalektong Griego na ginagamit sa Ionia
3:
Ant nahihinggil sa tao ng Ionia.

ionization (á·yo·ni·zéy·syon)

png |Kem |[ Ing ]
:
proseso ng paglikha ng mga ion bílang resulta ng paglusaw, init, radyasyon, at iba pa.

ionize (á·yo·náyz)

pnd |Kem |[ Ing ]
:
iyonisá ; iyonisáhin.

ionosphere (a·yó·nos·fír)

png |Mtr |[ Ing ]
:
rehiyon sa atmospera sa pagitan ng stratosphere at exosphere, binubuo ng mga ion, at lumalawig sa halos 1,000 km sa rabáw ng lupa.