act
Acta de Tejeros (ak·tá de te·hé·ros)
png |Kas
:
kasulatang nilagdaan noong 1897 ni Andres Bonifacio at nagpapawalang-bisa sa halalan ng mga opisyal na ginanap noong 22 Marso 1897 sa Kumbensiyong Tejeros.
Acteon (ak·te·ón)
png |Mit |[ Esp ]
:
sa mga Greek, isang mángangáso na naging usá nang mapagmasdan niyang naliligo si Artemis, at hinabol at kinain ng sarili niyang mga áso.
actinium (ak·tín·yum)
png |Kem |[ Ing ]
:
elementong metaliko at radyoaktibo (symbol AC ).
actinometer (ak·ti·nó·mi·tér)
png |[ Ing ]
:
kasangkapan na pansúkat sa dami o kapal ng radyasyong ultrabiyoleta.
actinomycete (ak·ti·nó·mi·sít)
png |Zoo |[ Ing ]
:
bakteryum na karaniwang nása anyong malahibla.
acto de atricion (ák·to de a·tris·yón)
png |Kas |[ Esp ]
:
noong panahon ng Español, paraan ng paghingi ng kapatawaran.
actum est (ák·tum est)
pnb |[ Lat ]
:
yarî na ; tapos na ; nangyari na.