agar
á·gar
png |[ Ing ]
:
substance na katulad ng helatina, mula sa iba’t ibang uri ng puláng damong dagat, at ginagamit na sangkap sa sopas o sa pagpaparami ng mikrobyo.
a·ga·râ
png |[ Seb ]
:
mga bagay na pag-aari ng iba.
á·gar-á·gar
png |Bot
:
helatinang mula sa iba’t ibang uri ng halámang dagat at nagagamit sa prosesong biyolohiko at pagpapatigas ng pagkain Cf GULÁMAN2
a·gá·ri·kó
png |Bot Med
:
kabute na pinulbos at ipinagbibili sa botika bílang gamot.
a·gár-ká·in
png |[ ST ]
:
tao na kumakain agad ng kaniyang pinagpaguran.