agnos
ag·nós·ti·kó
png |[ Esp agnostico ]
1:
tao na naniniwalang natatakdaan ng karanasan ang kaalaman kayâ nag-aalinlangan sa kakayahan ng tao na alamin ang tungkol sa Diyos at paglikha
2:
Pil
tao na nagtatatwa sa posibilidad ng tunay na kaalaman.
ag·nos·ti·sís·mo
png |[ Esp agnosticismo ]
1:
doktrina o paniniwala ng mga agnostiko
2:
doktrinang intelektuwal o paninindigan sa paniniwala na walang tiyak na basehan ang bawat kaalaman.