akba


ák·ba

png
:
makapal na talop — pnd ak·bá·hin, mag-ák·ba.

ák·bab

png |Zoo |[ ST ]
:
uri ng ibon na kulay asul ang tuka at may kulay ang palong.

ak·bág

pnr |[ ST ]
:
nagtatakip ng ulo ngunit iniiwang nakikíta ang ibang bahagi ng katawan.

ak·bág

png |Zoo
:
ibong kahawig ng ulók (Porphyrio pulverulentus ) ngunit higit na abuhing bughaw ang kulay at higit na mahilig maglakad sa damuhan kaysa maglangoy : SWAMPHEN

ák·bak

png |[ Kap ]
:
kawayang pantuhog na ginagamit sa pag-iihaw o paglilitson.

ak·báw

png |Zoo
:
anumang ibong pantubig (family Rallidae ) na kulay bughaw at mahahabà ang daliri ng paa : RAIL Cf TIKLÍNG

ak·báy

png |pag-ak·báy |[ Bik Tag ]
:
paglagay ng isang kamay sa balikat ng kasáma : AGÁBAY1, ÁGBAY, ALAKBÁY, SAKBÁY, SÁNGBAY — pnd ak·ba·yán, mag-ak·báy, i·ak·báy.