alum


a·lu·má·han

png |Zoo |[ Tag ]
:
uri ng mackerel (Rastrelligen kanagurta ) na lumalakí nang 20–35 sm, bughaw o lungti ang likod, pinilakan ang gilid ng katawan, at kabílang sa kawan ng isda kapag nanginginain sa rabaw ng dagat : LONG-JAWED MACKEREL var lumáhan

a·lu·má·na

pnr
1:
pinaglalaanan ng panahon o inaasikaso

a·lum·bi·bé·ras

png |Zoo |[ Esp alumbrar+vivar ]
:
isdang-alat (Stromateus cinereus ) na pinilakan, may bátik na itim ang kaliskis, at matinik ang palikpik.

a·lum·brá·do

png |[ Esp ]
:
pag-iilaw o pagdudulot n liwanag sa pamamagitan ng ilaw o mga ilaw.

a·lúm·bre

png |Kem |[ Esp ]

a·lu·mi·hít

png |[ ST ]
:
nakaririnding iyak at alboroto ng batà.

a·lu·mi·ná

png |Kem |[ Esp ]
:
aluminum oxide.

a·lú·mi·núm

png |Kem |[ Ing ]
:
metal na magaan, pinilakan, hindi kinakalawang, madalîng hubugin, at karaniwang ginagamit sa paggawâ ng kaserola, sasakyan, at katulad (atomic number 13, symbol Al ) : ALUMÍNYO

aluminum oxide (a·lú·mi·núm ók·sayd)

png |Kem |[ Ing ]
:
likás na mineral at karaniwang matatagpuan sa bauxile at luad : ALUMINÁ

aluminum plant (a·lú·mi·núm plant)

png |Bot |[ Ing ]
:
yerba (Pilea cadierei ) na makatas at malapilak ang dahon.

a·lu·mín·yo

png |Kem |[ Esp aluminio ]

a·lúm·na

png |[ Esp ]
:
estudyanteng babae, a·lúm·no kung laláki.

a·lúm·nus

png |[ Ing Lat ]
:
dáting mag-aaral o estudyante ; alumni kung maramihan.

a·lúm-om

png |[ ST ]
1:
mabagal na pagnguya o pagkain Cf NGATÂ
2:
pagsasalitâng nagngangalit ang mga ngipin.

a·lum·pi·hít

pnr
:
namimilipit ; namamaluktot.