amat
A·ma·te·rá·su
png |[ Jap ]
:
pangunahing diyos ng relihiyong Shinto ng mga Japanese ; diyosa ng araw at ninuno ni Jimmu, ang tagapagtatag ng dinastiyang imperyal.
a·ma·tís·ta
png |[ Esp ]
:
mahalagang bató na malinaw at kulay lila o bughawing lila, at karaniwang ikinakabit sa alahas : AMETHYST
a·má·tong
png
1:
Agr
[ST]
kamalig ng palay
2:
[Seb]
patúto1
3:
[Seb]
paraan ng panghuhúli ng alimango sa pamamagitan ng paing kinudkod na niyog.
a·ma·tór·yo
pnr |[ Esp amatorio ]
:
may kaugnayan sa pagmamahal o pagnanasàng seksuwal.
a·ma·tyúr
png |[ Ing amateur ]
1:
tao na iniuukol ang panahon sa sining o isports bílang libangan lámang at hindi bílang propesyon Cf APISYONÁDO
2:
tao na matuwain o mahilig sa isang bagay
3:
Alp bagúhan.