ampit
am·pít
pnd |i·am·pít, mag-am·pít |[ ST ]
:
itulak ang isang tao mula sa kaniyang upúan.
ám·pit
png
1:
[Bag]
payak na habi ng kuwadradong puláng tela at abaka
2:
[Mrw]
hilíng1 o pakiusap.
am·pi·te·á·tro
png |Ark |[ Esp ]
1:
pantay na puwang na habilog o pabilog na naliligid ng pataas na lupà
2:
pook na pinagdarausan ng mga paligsahan o larong pangmadla Cf ARÉNA
3:
gusaling may mga upúang sunod-sunod na pataas hábang patúngo sa likurán na nakapaligid sa gitna na siyang pinagtatanghalan.