antipolo


an·ti·pó·lo

png |Bot |[ Bik Seb ST ]
:
punongkahoy (Artocarpus blancoi ) na kahawig ng rimas, nabubuhay sa makapal na palumpungan, at hugis biluhaba ang maliliit na bunga, katutubò sa Filipinas : ALIPÁLO, GUMÍHAN var atipolo Cf KABBÁYA

An·ti·pó·lo

png |Heg
:
lungsod sa lalawigan ng Rizal na kilaláng pook bakasyunan at dinadayo ng mga namamanata sa birheng Nuestra Señora de Buenviaje.