apar


a·pár

png
1:
[Ilk] tindáhan
2:
[ST] silungán para sa maraming tao o hayop
3:
[ST] inaanak o anak-anakang babae.

a·pa·ra·dór

png |[ Esp ]
:
malakíng sisidlan ng damit, nakatatayông mag-isa, at karaniwang yarì sa kahoy Cf ESKAPARÁTE, ESTÁNTE, KÁBINÉT

a·pa·rá·to

png |[ Esp ]
1:
kasangkapang kailangan para sa isang partikular na layunin o gamit, lalo na kung siyentipiko o teknikal : APPARÁTUS
2:
isang masalimuot na organisasyon : APPARÁTUS
3:
Ana mga organong ginagamit sa pagsasagawa ng isang partikular na proseso : APPARÁTUS
4:
projektor sa sinehan : APPARÁTUS
5:
kulungan ng kabayo bago palabasin at patakbuhin para sa karera : APPARÁTUS

a·pa·rá·tsik

png |Pol |[ Rus apparat+chik ]
1:
kasapi ng pangasiwaan ng isang partido Komunista ; komunistang ahente o espiya
2:
masigasig na pinunò ; opisyal ng isang organisasyon.

a·pá·re

png |Bot |[ War ]
:
uri ng halamang-ugat na ang lamán ay higit na malaki kaysa gabe.

a·pá·ri

png |Bot |[ War ]
:
uri ng gabe.

a·pa·ris·yón

png |[ Esp aparición ]
:
multo o tíla multong imahen ng tao.

a·par·sé·ro

png |[ Esp aparcero ]
:
tagapag-ararong kasamá o kahati sa ani ng may-ari ng lupa ; a·par·sé·ra kung babae.

a·par·tá·do

pnr |[ Esp ]
1:
malayò o nakalayô sa iba
2:
magkalayô sa isa’t isa.

a·pár·te

png |Tro |[ Esp a parte ]
:
bahagi ng pangungusap ng artista sa tanghalan na tíla hindi naririnig ng ibang artista sa tanghalan at iniuukol lámang sa manonood : ASIDE

a·par·tél

png |[ Ing apartelle ]
:
pinaikling apartment at hotel.

apartheid (á·par·táyt)

png |Pol |[ Ing ]
:
pagbubukod ng mga Itim at ng mga Puti.

a·párt·ment

png |Ark |[ Ing ]
1:
pangkat ng mga silid, karaniwang mayroon nang mga kasangkapan at pinauu-pahan
2:
nag-iisang silid sa bahay.