apir


a·pír

png |[ ST ]
:
pagtatalik, pakikiapid sa iba.

A·pír!

pdd |[ Ing up here ]
:
pagbatì kasabay ang pagtatampalan ng mga nakalahad na palad ng dalawang nagkatagpo ; nagsimula sa pagbabatian ng mga bakla Cf GIBMEPÁYB

a·pí·ra

png |Zoo
:
uri ng ibong panggabi, kahawig ng kuwago var pirapira Cf LAPÍRA, TIKTÍK

a·pi·rán

png |[ ST ]
:
higaan ng mag-asawa.

a·pi·ráng

png |[ Ilk ]

a·pí·ring

pnr |[ Ilk ]
:
túlad o katúlad.

a·pir·má

pnd |a·pir·ma·hín, i·a·pir·má, mag-a·pir·má |[ Esp afirmar ]
1:
magpatunay o patunayan : AFFIRM
2:
magpatibay o pagtibayin : AFFIRM

a·pir·mas·yón

png |[ Esp afirmación ]
1:
pagsang-ayon hinggil sa isang bagay : AFFIRMATION
2:
Bat pormal na deklarasyon na pinilìng ihayag sa halip na panumpaan ng isang tao : AFFIRMATION

a·pir·ma·tí·ba

png |[ Esp afirmativa ]
1:
tugon o pahayag ng pagsang-ayon
2:
sang-ayong panig.

a·pir·ma·tí·bo

pnr |[ Esp afirmativo ]
1:
paayón o nagpapahayag ng pagsang-ayon : AFFIRMATIVE
2:
Pil nagmumungkahi na may katangian o paksang sinasang-ayunan ang proposisyong tinutukoy : AFFIRMATIVE