asta
as·tá
png |[ ST ]
:
súkat mula sa hinlalakí hanggang sa siko, o súkat ng katawan ng isang tao.
ás·ta
png |[ ST ]
:
pagsúkat kung kasiya.
as·tá·gi
png |[ ST ]
:
isang uri ng pabango.
as·ta·ká
png |[ ST ]
:
lupang nauka dahil sa malimit na pagdaan ng agos ng tubig.
as·tá·ka
png |Psd |[ ST ]
:
uri ng hulmahan para sa tinggang pabigat sa lambat.
as·ta·kó·na
png |[ ST ]
:
isang uri ng singsing na may bató.
as·ta·ngí
png |[ ST ]
:
isang uri ng ma-bangong usok.
astatine (ás·ta·tín)
png |Kem |[ Ing ]
:
elementong radyoaktibo (atomic number 85, symbol At ).