awtomatiko


aw·to·má·ti·kó

pnr |[ Esp automatico ]
1:
kusang kumikilos, gumagalaw, umaandar, o tumatakbo : AUTOMATIC
2:
agad-agad ; agaran at hindi na iniisip : AUTOMATIC
3:
kailangan at tiyak na magaganap : AUTOMATIC
4:
Sik ginagawâ nang wala sa loob o hindi namamalayan : AUTOMATIC
5:
sa baril, tuloy-tuloy na pumuputok hanggang maubos ang bala o hanggang maalis ang pisil sa gatilyo : AUTOMATIC
6:
Mek sa sasakyang de-motor, gumagamit ng kambiyo na kusang nagbabago ayon sa tulin at pagpapabilis : AUTOMATIC