bagon


ba·gón

png |[ Esp ]
1:
bahagi ng tren na pinagkakargahan ng mga gamit : BAGÓL1, COACH4, MARKANSÍYA, WAGÍNG
2:
[Bik] sasakyan ng mga bagahe : WAGÍNG

bá·gon

png |Bot |[ Seb ]
:
báging var balagon

ba·gon·dón

png |Zoo |[ Seb ]
:
uri ng wrasse (genus Stethojulis ) na may tíla mga laso na guhit sa katawan mula ulo hanggang gawing buntot : BUGÁY-BUGÁY

ba·go·né·ta

png |[ Esp vagoneta ]
:
maliit at bukás na trak, kinakargahan ng mga produktong karaniwang mula sa minahán.

bá·gong

png |[ Igo ]
:
kaluluwa ng isang tao na napugutan ng ulo.

bág-ong

png |[ ST ]
:
mahabà at umuugong na boses Cf HÁGONG

Bá·gong·ban·tâ, Fer·nán·do

png |Lit
:
kauna-unahang nalathalang makatang ladino.

ba·gong·bóng

png |Zoo |[ ST ]
:
uri ng pesteng kulisap na tulad ng salagubang.

bá·gong-go·là

png |[ ST ]
:
sa sinaunang lipunan, kahon na yarì sa isang buong pirasong kahoy.

bá·gong-tá·o

png |[ ST bago+na+tao ]

Bá·gong Ta·ón

png |[ bago+na taon ]
:
unang araw sa buwan ng Enero : ÁNYONUWÉBO, NEW YEAR

Bá·gong Ti·pán

png |[ bago+na tipan ]
:
dalawampu’t pitóng aklat sa Bibliya na nagtatalâ ng búhay, ministro, kamatayan sa krus, at muling pagkabúhay ni Jesucristo at ang mga turo ng Kaniyang mga apostol : NEW TESTAMENT

bá·gong-yá·man

png |[ bago+na-yaman ]
:
tao na bago pa lámang yumaman at hindi gáling sa angkan ng dati nang mayayaman : NOUVEAU RICHE Cf BIGLÂNG-YÁMAN

Bág-ong Yáng·gaw

png |Mit |[ Hil ]
:
aswang na kumakain at umiinom ng dugo ng tao.