• ba•lí•kat
    png | [ Kap Tag ]
    1:
    bahagi ng katawan ng tao o hayop sa magkabilâng panig ng leeg na kinauugnayan ng dalawang bisig
    2:
    sa hayop, itaas ng unaháng paa ng baboy, tupa, at iba pa
    3:
    habà ng lupa na malapit sa sementadong daánan ng sasakyan
    4:
    bahagi ng kasuotan na tumatakip sa balikat
    5:
    anumang bagay na kahawig ng hubog ng balikat, gaya sa balikat ng bote at bundok
  • ba•lí•kat
    pnd
    :
    ubos-káyang tupdin ang tungkulin o gawain