bangibang


ba·ngí·bang

png |[ Iba Ifu ]
1:
plumahe ng ibon at iba pang hayop, karaniwang kinukulayan at gina-gamit na palamuti sa mga sombrero, gora, o kapasete : BALANGÉT
2:
tabla na pamalò
3:
Mus instrumentong hugis hanger, yari sa kahoy, at hinahampas ng kaputol ng kahoy para patunugin, karaniwang gina-gamit sa mga ritwal : KATÚPI, TALÁMPI
4:
Zoo [ST] pakpák2

ba·ngí·bang

pnr |[ ST ]
:
punô ng iba’t ibang bagay.

ba·ngí-ba·ngí

png |Zoo |[ Hil ]
:
uri ng maliit na crustacean na magkahalòng putî at asul ang kulay at hindi maaaring kainin ng tao.