bantil
ban·tíl
pnd |ban·ti·lán, i·ban·tíl, mag-ban·tíl |[ ST ]
:
isilong sa bantilan ang bangkâ o sasakyang-dagat.
ban·tí·lan
png
1:
[Kap ST]
Ark plataporma o salalay na nása paánan ng hagdanan
2:
Ntk
[ST]
pook na silungan ng bangka o sasakyang-dagat na hindi ginagamit : BABALÍWAN,
BANGKIRÓAN,
DUGKÁAN,
DULUNGKÁAN,
DUNGKAÁNAN
3:
páligúan na malapit sa pampang ng ilog.
ban·ti·láw
png |Bot |[ ST ]
:
togi o gabe na hindi lumalambot kahit lutuin, gaya ng banlogan.
ban·ti·láw
pnd |ban·ti·la·wín, bu·man· ti·láw, mag·ban·ti·láw |[ ST ]
:
hanapin ang bagay na nawalâ : BANTIYÁW
ban·ti·láw
pnr
1:
hindi sapat ang init ng apoy upang makapagluto
2:
hindi masinop ang pagkakagawâ ng isang bagay.
ban·ti·lá·wan
pnr
1:
hindi maayos ang pagkakaluto
2:
hindi buhós ang loob sa ginagawâ.