bark
bar·ká·da
png |[ Esp barcada ]
1:
barkong punô ng mga sakay o pasahero
2:
3:
pangkat ng mga kabataang magkakaibigan : GANG3
bár·ker
png |Kol |[ Ing ]
:
tao na tagatawag ng pasahero sa paradahan ng sasakyang publiko.
bar·ké·ro
png |Ntk |[ Esp barquero ]
:
tao na tagasagwan ng bangkâ.
bar·kíl·yos
png |[ Esp barquillos ]
:
pagkain na kahawig ng apa na nakabilot nang gadaliri ang laki at habà.
bar·kó
png |Ntk |[ Esp barco ]
1:
malakíng sasakyang-dagat na may tatlo o higit pang parisukat na layag
2:
nakagawiang tawag sa malakíng sasakyang-dagat Cf BAPÓR3