basal


basal (ba·sál, béy·sal)

pnr |[ Esp Ing ]
1:
bumubuo ng base

ba·sál

png |Mus |[ ST ]
:
tunóg ng batingáw, tambol, at instrumentong pinapalò.

bá·sal

png |Mus |[ Mag ]
:
pangkat ng mga gong.

bá·sal

pnr |[ Kap Tag ]
1:
nása kabataan ; batà pa
2:
wala pang karanasan sa seks Cf BIRHÉN
3:
hindi kongkreto Cf ÁBSTRAK2
4:
Agr kung sa lupa, hindi pa napagtatamnan o tiwangwang.

basalt (ba·sólt, béy·solt)

png |Heo |[ Ing ]
:
maitim na batóng mula sa bulkan, karaniwang natatagpuang tíla posteng nakahanay.

ba·sál·to

png |[ Esp ]
:
sa sistemang piyudal ng Europa, tao na binigyan ng lupain kapalit ng katapatan, paglilingkod, at serbisyo sa kaniyang panginoon Cf ALAGÁD

ba·sál·yo

png |[ Esp basallo ]