bayubo


ba·yu·bò

png
1:
tábing na gawâ sa sawali o kahoy na nabubuhat at natitiklop ; pansamantalang ding-ding sa silid : PÁBYON, SALÁNIB, TAMBÍL1
2:
sari-saring pagkakalála sa yantok o baging na ginagamit na palamuti
3:
pagbubungkal o pagtatapon sa punò ng mga haláman sa pamamagitan ng kamay o kasangkapan.

ba·yú·bo

png |[ ST ]
:
pagtatabon ng lupa sa palumpong, yerba, letsugas, at katulad.

ba·yu·bók

png |Zoo |[ Bik ]
:
maliit na daga.