bisyo


bís·yo

png |[ Esp vicio ]
1:
inmoral o masamâng gawì : VICE1
2:
sirà o kahinaan : VICE1
3:
anumang nakapagpapababà ng pagkatao : VICE1
4:
seksuwal na inmoralidad, gaya ng prostitusyon : VICE1

bís·yon

png |[ Esp vicion ]
4:
karanasan, karaniwang itinuturing na makahulugan at may idinudulot na benepisyo, malinaw at kapani-paniwalang nakikíta sa isip bagama’t hindi aktuwal na naroon, karaniwan sa pamamagitan ng impluwensiyang espiritu o impluwensiya ng sikolohiko at pisyolohikong kondisyon : VISION
5:
anumang nakíta o iniisip na nakíta sa gayong karanasan : VISION
6:
tanawing kahawig ng pangitain sa panaginip at katulad : VISION
7:
tanawin, tao, at katulad na may pambihira at di-pangkaraniwang ganda : VISION

bis·yo·nár·yo

pnr |[ Esp vicionario ]
1:
kasalukuyang hindi maaaring mangyari ; hindi praktikal na idea, pananaw, o plano : VISIONARY
2:
hinggil sa bisyon : VISIONARY
3:
hindi tunay ; umiiral sa imahinasyon lámang : VISIONARY

bis·yo·nár·yo

png |[ Esp visionario ]
:
tao na may kakayahang tumanaw sa hinaharap : IDEÓLOGÓ1, VISIONARY

bis·yó·so

pnr |[ Esp vicioso ]
:
maraming bisyo o gawaing masamâ.