bit-ang


bi·táng

png |[ ST ]
1:
paggawâ sa ginto o paghínang
2:
pagbababâ ng dalá sa pamamagitan ng paghinto sa isang pook
3:
Agr paglilipat sa ibang pook ng bolobor
4:
pagpapása sa iba ng ninakaw na bagay o ng utang, hal ang utang ng ama ay ipapása sa anak
5:
bukid na minana o nakamtan hanggang sa paghatian ito.

bit-áng

png |[ Ilk ]
:
maliit na daánan ng tao sa pagitan ng mga bahay Cf ALLEY

bi·tá·ngan

png |[ ST ]
:
pook pahingahan ng mga manlalakbay.

bi·tang·hól

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy o bungangkahoy.

bi·tá·ngol

png |Bot
:
punongkahoy (Calophyllum blancoi ) na tumataas nang 25 m, mabalahibo at bilóg ang mga dahon, putî ang bulaklak, at biluhabâ ang bunga : BALÁNGAS2, BASÁNGAL3