bitamina
bi·ta·mí·na
png |BioK |[ Esp vitamina ]
:
sangkap sa pagkain na mahalaga sa pagpapalusog ng katawan ; alinmang pangkat ng organikong compound na mahalaga sa pagpanatili ng kalusugan ng katawan : VITAMIN
bi·ta·mí·na A
png |BioK |[ Esp vitamina ]
:
alkohol na solidong terpene, natutunaw sa tabâ at matatagpuan sa lungti at dilaw na gulay, pulá ng itlog, at katulad, mahalaga sa paglakí, at nagpapalinaw ng mata.
bi·ta·mí·na A2
png |BioK |[ Esp vitamina ]
:
bitamina na katulad ng bitamina A na nakukuha mula sa isdang-tabáng at langis mula sa atay.
bi·ta·mí·na B12
png |BioK |[ Esp vitamina ]
:
bitaminang matatagpuan sa pagkaing hayop, gaya ng atay, isda, at itlog at kailangan upang makaiwas sa mabagsik na anemya : CYANOCOBALAMIN
bi·ta·mí·na B129
png |BioK |[ Esp vitamina ]
:
solido (C63N90N14O14 PC0 ) na matingkad na puláng kristalina, natutunaw sa tubig, matatagpuan sa atay, gatas, itlog, at lamandagat : ANTIPERNICIOUS ANEMIA FACTOR
bi·ta·mí·na B9
png |BioK |[ Esp vitami-na ]
:
folic acid.
bi·ta·mí·na B kóm·plex
png |BioK |[ Esp vitamina Ing complex ]
:
mahalagang pangkat ng mga bitaminang natutunaw sa tubig, at may bitaminang B1 B2 at katulad.
bi·ta·mí·na C
png |BioK |[ Esp vitamina ]
:
ascorbic acid.
bi·ta·mí·na D
png |BioK |[ Esp vitamina ]
:
anuman sa bitamina D1 D2 D3 na natutunaw sa tabâ, matatagpuan sa gatas, langis mula sa atay ng isda, gaya ng cod, at ultrabiyoletang iradyasyon ng ergosterol.
bi·ta·mí·na D1
png |BioK |[ Esp vitamina ]
:
halò ng lumisterol at calciferol, mula sa ultrabiyoletang iradyasyon ng ergosterol.
bi·ta·mí·na D3
png |BioK |[ Esp vitamina ]
:
likás na bitaminang D (C27H43 OH ) na matatagpuan sa langis na mula sa atay ng isda at may bahagyang kaibhan ang estruktura ng molecule nitó sa bitaminang D2 : CHOLECALCIFEROL
bi·ta·mí·na E
png |BioK |[ Esp vitamina ]
:
fluid na malapot at manilaw-nilaw, matatagpuan sa langis ng wheatgerm, nagpapalaganap ng fertilidad, panlaban sa aborsiyon, at aktibo sa pagpapanatili ng sistemang masel na walang kontrol Cf TOCOPHEROL
bi·ta·mí·na K1
png |BioK |[ Esp vitami-na ]
:
manilaw-nilaw, malangis, at malapot na likido (C31H46O2) na matatagpuan sa madahong gulay, bigas, at atay ng baboy, mahalaga sa pamumuo ng dugo : PHYLLOQUINONE,
PHYTONADIONE
bi·ta·mí·na M
png |BioK |[ Esp vitamina ]
:
folic acid.
bi·ta·mí·na P
png |BioK |[ Esp vitamina ]
:
bitamina na natutunaw sa tubig, matatagpuan sa sitrus, paprika, at katulad, na nagpapanatili ng resistensiya ng mga cell at capillary wall : BITAMÍNA X,
CITRIN2
bi·ta·mí·na X
png |BioK |[ Esp vitamina ]
:
bitamína P.