blood
bloodhound (blád·hawnd)
png |Zoo |[ Ing ]
:
uri ng malaking áso na may mahabàng tainga at malakas ang pang-amoy.
blood money (blad má·ni)
png |[ Ing ]
1:
salapi na ibinabayad sa bayarang asesino
2:
salaping ibinibigay sa kaanak ng pinatáy o nápatáy na tao
3:
salaping ibinabayad sa magbibigay ng impormasyon túngo sa pagkahúli ng salarin o kriminal
4:
kaugalian ng mga Muslim hinggil sa pagbabayad ng maysála sa biktima o kamag-anakan nitó upang makalaya o bílang kapalit ng parusang ipinataw ng hukuman.