blue
blue baby (blu béy·bi)
png |Med |[ Ing ]
:
sanggol na ipinanganak na may cyanosis dulot ng depekto sa bagà o puso, na nagiging sanhi ng pangangasul ng balát.
bluebell (blú·bel)
png |Bot |[ Ing ]
:
haláman (Hyacinthoides non-scripta ) na may bughaw at hugis kampanang bulaklak.
blueberry (blu·bé·ri)
png |Bot |[ Ing ]
:
maliit na palumpong (genus Vaccinium ) na may bungang maliliit, kulay itim bughaw, at nakakain.
bluebird (blú·berd)
png |Zoo |[ Ing ]
:
ibon (genus Sialia ) na maliit, kulay bughaw, at matatagpuan sa Hilagang America.
blue cheese (blu tsiz)
png |[ Ing ]
:
keso na may guhit ng amag na asul.
bluegrass (blú·gras)
png |[ Ing ]
1:
Bot
damo (genus Poa ) na may kulay bughaw na bulaklak
2:
Mus
uri ng instrumental na country music na nagtatampok ng mahusay na pagtugtog ng gitara, banjo, at iba pa.
blueprint (blú·print)
png |[ Ing ]
1:
potograpikong limbag ng hulíng yugto ng inhinyeriya o ibang plano ; putî ang letra at guhit sa bughaw na papel
2:
proseso ng paggawâ nitó
3:
detalyadong plano sa mga unang yugto ng proyekto o idea.
blues (blus)
png |[ Ing ]
1:
lungkot o kalungkutan
2:
Mus
malungkot na musika na sinimulan ng mga Amerikanong Itim.