book
bo·ók
png |[ ST ]
1:
pagpatay sa isang tao sa pamamagitan ng pagpútol ng ulo Cf PAMOÓK
2:
pagtapyas sa isang dulo ng niyog para kunin ang lamán.
booking office (bú·king ó·fis)
png |[ Ing ]
:
opisina o pook na pinagda-raanan o binibilihan ng tiket sa mga sasakyan, palabas, loterya, at katulad.
booklet (búk·let)
png |[ Ing ]
:
maliit na aklat.
bookmark (búk·mark)
png |[ Ing ]
:
anumang piraso, karaniwang karton, at ginagamit na pantanda sa pahina ng libro at katulad.
book rack (búk rak)
png |[ Ing ]
1:
sandalan ng mga aklat na nakabukás : BOOK REST
2:
lalagyan ng mga aklat.
book rest (buk rest)
png |[ Ing ]
:
book rack1
book review (búk re·vyú)
png |[ Ing ]
1:
masusing paglalarawan at pagsusuri sa isang aklat
2:
bahagi o pahina sa pahayagan o magasin na kinapapalooban ng nasabing artikulo.