bori
boric acid (bó·rik á·sid)
png |Kem |[ Ing ]
1:
acid (H3BO3) na putî, kristalina, likás o makukuha mula sa borax, at ginagamit sa paggawâ ng seramika, semento, kristal, enamel, at katulad
2:
alinman sa pangkat ng acid na may boron.
boride (bó·rayd)
png |Kem |[ Ing ]
:
compound na binubuo ng dalawang element na boron ang higit na elektronegatibo.
bó·ri·ko
png |Kem |[ Esp bórico ]
:
pulbos na kemikal na inihahalò sa paglilinis ng ginto hábang ito’y tinutunaw o inaapuyan.