bukol


bú·kol

png
1:
Med [Bik Hil Iba Ilk Seb Tag War] anumang pamamagâ, pamumuô ng lamán, o pag-umbok ng isang bahagi ng katawan ng isang bagay o pook : BALÉNOG, BÍGIL, BUGKÓL, BUTÍKUL, GÁTOK, HUBÁG, NODE1
2:
Bot [Hil] búko1
3:
[ST] pag-umbok ng isang bahagi, gaya ng pinamumukulan ng suso o babaeng nagdadalaga
4:
Zoo [ST] pa·mu·kú·lan kabataang usa.

bu·kó·li·kó

png |[ Esp búcolico ]
1:
Lit tulang pangkabukiran
2:
may katangian ng bukid.