bulgar


bul·gár

pnr |[ Esp vulgar ]
1:
nagpapamalas ng kamangmangan o kakulangan sa mabuting asal o panlasa : TARAMÁYON, VÚLGAR
2:
lantaran at direktang pagpapahayag : TARAMÁYON, VÚLGAR
3:
hinggil sa o binubuo ng pangkaraniwang tao sa lipunan : TARAMÁYON, VÚLGAR
4:
kulang sa estetikong halaga : TARAMÁYON, VÚLGAR
5:
sinabi o ipinahayag sa pamamagitan ng wikang ginagamit ng mga karaniwang tao : TARAMÁYON, VÚLGAR

Bulgaria (bul·gár·ya)

png |Heg
:
bansa sa timog silangang Europa.

bul·ga·ri·dád

png |[ Esp vulgaridad ]
:
pagkabulgar ; pagiging bulgár.

bul·ga·rí·sas·yón

png |[ Esp vulgarizacion ]
1:
kilos o galaw na magaslaw o magaspang
2:
pagpapababà ng halaga.

búl·ga·rís·mo

png |[ Esp vulgarismo ]
1:
kabastusan o kagaspangan ng dilà
2:
pamamahayag o salitang ginagamit ng mga taong lansangan.