buntot


bun·tót

png
1:
Zoo [Akl Tag] dulong puwitan o paghabà ng dulong puwitan sa katawan ng isang hayop : ÍFUT, ÍKOG2, IKÌ, IKÓL, ÍPUS1, IWÍ, TAIL
2:
Zoo bahaging nása kabilâng dulo ng ulo ng isda : TAIL
3:
anumang kahawig ng buntot ng hayop sa anyo o puwesto, gaya ng maluningning na landas ng kometa o ng puwitan ng eroplano : TAIL
4:
hulihán, pang-ibabâ, o mahinàng bahagi ng anuman : TAIL
5:
pagsunod ng isa sa nauuna, hal tulad ng isang pila.

bun·tót-bu·wá·ya

png |Bot
:
palumpóng (Rotula aquatica ) na nabubúhay sa mga bató at graba, at may bungang bilugán, malamán, at may apat na butó : TÁKAD4

bun·tót-da·gâ

png
:
talim na bilóg ang magkabilâng dúlo at ginagamit na pangkinis sa loob ng hiyas na may túlos o bútas : ROUND FILE

bun·tót-ka·pón

png
1:
Bot uri ng pakô (Pteris ensiformis ) na puwedeng kainin
2:
Zoo balahibo sa buntot ng tandang na kinapon.

bun·tót-le·ón

png |Bot
:
haláman (Heliotropium indicum ) na may mabangong bulaklak : HIGÁD-HIGÁRAN, HINLALAYÓN2

bun·tót-má·ya

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng damo.

bun·tót-pá·ge

png
:
latigo na gawâ sa buntot ng page.

bun·tót-pa·lós

png |Bot
:
yérba (Eupatorium cannabinum ) na kauri ng abaka.

bun·tót-pu·sà

png
1:
Bot damo (Pen-nisetum polystachyon ) na 1.5 m ang taas, madulas at mabalahibo ang mga dahon, at may bulaklak na tíla buntot, kulay dalandang kayumanggi na nagiging kremang putî hábang tumatagal : FOXTAIL
2:
Ana buhok na hugis buntot sa batok
3:
Bot [ST] isang uri ng palay na may buhok.

bun·tót-tí·gre

png |Bot
:
uri ng hemp (Sansevieria trifasciata ), mataba ang mga ugat, tuwid, at makapal ang dahon : ÁSPI-ÁSPI, TÍGI1, DILDÍLA