bunyi
bun·yî
pnr |ma·bun·yî
1:
matagumpay, makapangyarihan, at pinag-uukulan ng labis na paggálang
2:
nagpapamalas ng dignidad at pagiging kagálang-gálang sa kilos at anyo.
bun·yî
png |pag·bu·bun·yî
1:
pagsasayá at pagdiriwang, gaya sa tagumpay o sa pagdatíng ng matagal nang inaasam
2:
pagbibigay ng parangal o papuri — pnd bun·yi·ín,
i·pag· bun·yî,
mag·bun·yî.