dalagan
da·lá·gan
png
1:
[Ilk]
papag na hinihigaan ng bagong panganak na ina at sanggol
2:
[Bik]
laro na hinahanap ng tayâ ang pinagtataguan ng mga kalaban at isa-isang tinataga
3:
Zoo
bangayngáy.
da·lá·gang-bú·kid
png |[ dalaga+ng bukid ]
:
babae o dalagang tagabukid.
da·lá·gang-dá·gat
png |Zoo |[ dalaga+ng dagat ]
1:
isdang-alat na may mahabàng guhit sa magkabilâng tagiliran at karaniwang tumitirá sa malayòng dáko ng pampang
2:
isdang kahawig ng tangigi ngunit higit na maitim ang likod, maliit ang panga, hasang, at mga kaliskis.