dalawa


da·la·wá

pnr |Mat
1:
pamílang na katumbas ng isa at isa : DOS, DUWÁ, TWO
2:
salitâng bílang para sa 2 o II : DOS, DUWÁ, TWO
3:
pagkakasáma ng dalawa ; isang pares : DOS, DUWÁ, TWO

dá·la·wá·han

png |[ dalawá+han ]
:
anumang laro o sitwasyong binubuo ng dalawang tao sa bawat panig : DOUBLES, DUAL1

dá·la·wá·han

pnr |[ dalawa+han ]
:
binubuo ng dalawang bahagi : BINARY1, BINÁRYO

da·la·wam·pû

pnr |Mat |[ dalawa+na+sampu ]
1:
pamílang na katumbas ng dalawang sampu : BÉYNTE, TWENTY
2:
salitâng bílang para sa 20 o XX : BEYNTE, TWENTY
3:
katipunan ng ganito karaming tao, bagay, at iba pa : BÉYNTE, TWENTY

da·lá·wan

png |[ ST ]
:
goma na mula sa mga punongkahoy.

da·lá·wat

png
1:
[Hil] pagbibili ng palay at bigas
2:
Kom sa sinaunang lipunang Bisaya, kalakalan ; o pamimilí tuwing anihán — pnd du·ma·lá·wat, i·da·lá·wat, mag·da·lá·wat.