deconstruction


deconstruction (di·kons·trák·syon)

png |Lit Pil |[ Ing ]
:
paraan ng pagsusuring pampilosopiya at pampanitikan, nagsimula noong mga taóng 1960 at umuusisa sa tradisyonal na kakayahan ng wika upang kumatawan sa realidad, at humahámon sa mambabasá na iwaksi ang anumang sapantahang metapisiko at etnosentriko sa pamamagitan ng aktibong paglahok túngo sa produksiyon ng kahulugan : DESKONSTRUKSIYÓN