digma


dig·mâ

png
1:
estado ng armadong paglalaban ng mga bansa o lipi ; panahon ng gayong paglalaban : GIYÉRA, GÚBAT4, GUBÁT1, TIKÁM, WAR
2:
sining o agham ng pakikipaglaban : GIYÉRA, GÚBAT4, GUBÁT1, WAR
3:
estado ng paglalaban, tunggalian, o tuligsaan : GIYÉRA, GÚBAT4, GUBÁT1, TIKÁM, WAR

dig·mà·an

png |[ digmâ+an ]
:
malakíng digma : GIYÉRA, WAR

dig·mà·ang pan·dá·ig·dig

png |Pol |[ digmâ+an+na pang+daigdíg ]
:
digma-an ng maraming bansa : WORLD WAR

dig·mà·ang si·bíl

png |Pol |[ digmâ+ an+na Esp civil ]
:
digmaan ng mga pangkat sa loob ng isang bansa.

Dig·mà·ang Tró·ya

png |Lit |[ digmà+an+na Troya ]
:
sampung taon na pagsalakay at pagsakop sa Troya ng mga Griego : TROJAN WAR

dig·mán

png |Bot
:
maliit na yerba (Hydrilla verticillata ) na nabubúhay sa tubig, maraming sanga, at payat na manipis ang dahon.

dig·máy pu·gò

png |Bot |[ ST ]
:
bungangkahoy na maasim.