dikta
dík·ta
pnd |dík·ta·hán, i·dík·ta, i·pag· dík·ta, mag·dík·ta |[ Esp dicta ]
1:
sabihin o basahin nang malakas ang ipinasusulat
2:
mag-utos o utusan.
dík·ta·dór
png |[ Esp dictador ]
2:
pinakamakapangyarihang tao sa anumang larangan : DICTATOR
3:
tao na nagdidikta para sa transkripsiyon : DICTATOR
dik·ta·dú·ra
png |Pol |[ Esp dictadura ]
1:
absolutong awtoridad sa anumang larangan
2:
estadong pinamumunuan ng diktador
3:
posisyon, pamunuan, o panahon ng panunungkulan ng isang diktador.
dik·ta·pón
png |[ Ing dictate+phone ]
:
instrumentong kauri ng ponograpo na kumukuha at maaaring magparinig ng anumang idinikta.
dik·tas·yón
png |[ Esp dictación ]
:
pagsasalita o pagbása nang malakas upang isulat ng iba : DICTATION
dik·ta·tor·yál, dik·ta·tór·yal
pnr |[ Esp Ing dictatorial ]
1:
katulad ng pamamahala ng isang diktador
2:
katulad ng isang diktador
3:
mapagdikta o mapag-utos.