dogma
dóg·ma
png |[ Esp Ing ]
1:
doktrina o sistema ng mga doktrinang pormal na iminumungkahi o itinakda ng isang simbahan o lupong relihiyoso at itinuturing na awtoritatibo
2:
prinsipyo, paniniwala, o doktrina, karaniwang pormal na nakasaad at ipinalalagay na awtoritatibo.
dog·má·ti·kó
pnr |[ Esp dogmatico ]
:
nagpapahayag ng dogmatismo.
dog·ma·tís·mo
png |[ Esp ]
:
awtoritatibo at kadalasang aroganteng pamamaraan ng paghahayag ng opinyon o paniniwala.
dog·ma·tís·ta
png |[ Esp ]
1:
tao na nagpapahayag nang tiyak sa kaniyang sariling kuro-kuro
2:
tao na bumabalangkas ng dogma.