elektron


e·lék·tron

png |Pis |[ Esp electron ]
:
sub-atomic particle na may kargang negatibong elektrisidad, natatagpuan sa lahat ng atom, at pangunahing nagdadalá ng elektrisidad sa solidong bagay : ELECTRON, NEGATRON

e·lek·tró·ni·ká

png |[ Esp electrónicá ]
:
sangay ng pisika at teknolohiya na may kinaláman sa galaw ng mga elektron sa vacuum, gas, semiconductor, at iba pa : ELECTRONICS

e·lek·tró·ni·kó

png |[ Esp electrónicó ]
:
tao na nagsasagawâ ng elektronika : ELECTRONICIAN