end
endangered species (en·déyn·dzerd is·pí·sis)
png |Bot Zoo |[ Ing ]
:
espesye o sub-espesye na nanganganib maubos.
endemic species (en·dé·mik is·pí· sis)
png |Bot Zoo |[ Ing ]
:
espesye o sub-espesye na matatagpuan lámang sa isang tiyak na pook.
en·dé·mi·kó
pnr |[ Esp endémico ]
endnote (énd·nowt)
png |[ Ing ]
:
talâ sa dulo ng aklat o sa katapusan ng isang bahagi ng aklat.
én·do-
pnl |[ Ing ]
:
pambuo ng pangngalan na nagpapahiwatig na panloob, hal endocarp.
endocrine gland (én·do·krín gland)
png |Ana |[ Ing ]
:
alinman sa mga glandula, gaya ng thyroid, adrenal, at pituitary gland, na pinadadaloy nang tuwiran sa dugo ang nalilikhang katas.
endocrinology (én·do·kri·nó·lo·dyí)
png |Med |[ Ing ]
:
pag-aaral ng estruktura at pisyolohiya ng mga endocrine gland.
endogamy (en·dó·ga·mí)
png |[ Ing ]
1:
pag-aasawa ng magkatribu
2:
Bot
polinasyon mula sa iisang haláman.
én·do·plás·ma
png |Bio |[ Esp ]
:
butíl-butíl na panloob na sapin ng sitoplasma ng unicellular na organismo tulad ng amíba : ENDOPLASM
endorse (en·dórs)
pnd |[ Ing ]
:
mag-endóso o iendoso.
én·do·sa·dór
png |[ Esp ]
:
tao na nag-endoso.
endoscope (én·dos·kówp)
png |Med |[ Ing ]
:
aparatong pansuri sa loob ng katawan.
en·dós·mo·sís
png |Kem |[ Esp ]
1:
osmosis mula sa labas papaloob
2:
daloy ng substance mula sa may pinakamababàng konsentrasyon patúngo sa may mataas na konsentrasyon.
en·do·só
png |pag-en·do·só |[ Esp ]
1:
pagbibigay ng pahintulot o pagpapahayag ng kumpirmasyon : ENDORSE
2:
paglagda sa likod ng bill o tseke Cf ENDORSE
3:
pagsulat ng paliwanag sa likod ng dokumento.
endowment (en·dáw·ment)
png |[ Ing ]
1:
pagbibigay ng ikabubúhay sa isang tao o institusyon
2:
Bat
ari-arian na ibinibigay o ipinamamána ng tao o institusyon
3:
likás na talino, kakayahan o katangian
4:
sa seguro, uri ng policy2 na gumagarantiya ng bayad sa isang nakasegurong tao sa isang takdang petsa o sa kaniyang ari-arian kapag namatay siya bago ang naturang petsa.
endpaper (end·péy·per)
png |[ Ing ]
:
blangkong papel na nakadikit sa panloob na pabalát ng aklat.
én·dyi
png
:
tawag sa titik Ng.