ethyl
ethyl (é·til)
png |Kem |[ Ing ]
:
monovalent radical na gáling sa ethane matapos ang pagkaltas sa hydrogen atom (C2H5) : ETILO
ethylene (é·ti·lín)
png |Kem |[ Ing ]
:
gas (C2H4) na walang kulay, madalîng magsiklab, at may masamâng amoy ; hydrocarbon ng alkene at matatagpuan sa natural gas, ginagamit din sa produksiyon ng polyethylene : ETILÉNO