flash
flash bulb (flas balb)
png |[ Ing ]
:
sa potograpiya, bombilyang nagbibigay ng saglit na liwanag.
flash drive (flás drayv)
png |[ Ing ]
:
isang portabol na drive ng kompyuter ; kasangkapan sa pag-iimbak ng mga datos o mga ipormasyon.
flasher (flá·syer)
png |[ Ing ]
1:
tao na mahalay na ipinapakíta ang sarili
2:
awtomatikong kasangkapang gamit sa pagpatay-sindi ng ilaw ; hudyat sa pamamagitan nitó
3:
tao o bagay na humahagibis.
flash flood (flás flad)
png |[ Ing ]
:
biglaang pagbahâ dahil sa malakas na ulan.
flashgun (flás·gan)
png |[ Ing ]
:
sa potograpiya, kasangkapang lumilikha ng matinding kislap ng liwanag, ginagamit sa pagkuha ng larawan sa gabi, sa loob ng gusali, at iba pa.
flash lamp (flás lamp)
png |[ Ing ]
:
lamparang kumikislap, nabibitbit, at de-koryente.
flashlight (flás·layt)
png |[ Ing ]
1:
2:
kumikislap na ilaw na panghudyat, gaya ng ginagamit sa parola
3:
bugso ng artipisyal na liwanag sa pagkuha ng larawan.
flashpoint (flás·poynt)
png |[ Ing ]
1:
temperatura na nagliliyab ang singaw mula sa langis
2:
yugto o sandaling hindi na makontrol ang galit, ngitngit, at katulad.