front
frontage (frón·tidz)
png |[ Ing ]
1:
hanggáhan sa harap
2:
habà o súkat ng gayong hanggáhan
3:
Ark
patsáda.
frón·tal
pnr |[ Ing ]
:
sa harap o ng harap.
frón·ti
png |Isp |[ Esp ]
:
sa jai alai, harap na dingding o pader ng kantsa.
frontier (fron·tír)
png |[ Ing Fre ]
1:
linya na hanggáhan ng dalawang lupain o distritong malapit sa naturang linya : PRONTÉRA1
2:
pinakamalayòng lupain na pananahanan : PRONTÉRA1
3:
bago at hindi pa nagagalugad na larang, gaya sa agham : PRONTÉRA1
frontispiece (frón·tis·pís)
png |[ Fre ]
1:
páhiná na may larawan o ilustrasyon, kaharap ng páhiná ng pamagat ng aklat
2:
Ark
harapán ng isang gusali.
front line (frónt layn)
png |Mil |[ Ing ]
:
unang hanay.
frónt man
png |[ Ing ]
1:
tao na nagtatakip sa iba
2:
sa brodkasting, ang host ng programa
3:
Mus
pangunahing kasapi ng bánda.
frón·ton
png |Isp |[ Esp ]
1:
pader na pinagpupukulan ng bola sa larong jaialai
2:
palaruan ng jai alai.
frónt page (front peydz)
png |[ Ing ]
:
ang unang páhiná ng peryodiko, lalo na ang naglalamán ng mahahalaga at katangi-tanging balita.
front runner (front rá·ner)
png |[ Ing ]
1:
kalahok na nakikini-kinitang mananalo
2:
atleta o kabayong nangunguna sa takbo.