gambi
gam·bí
png |[ ST ]
:
pagbanggit o pagtukoy sa isang tao o bagay bílang patibay sa sinasabi — pnd gu·mam·bí,
i·gam·bí.
Gambia (gám·bi·yá)
png |Heg |[ Ing ]
:
isa sa mga bansa sa kanlurang Africa.
gam·bíl
pnr |[ ST ]
:
sariwa pa sa alaala var gámil
gam·bi·là
png |[ ST ]
:
pagbanggit o pag-tukoy sa isang tao o bagay na sariwa pa sa alaala — pnd gám·bi·lá·in,
gu·mam·bi·là.
gám·bit
png |Isp |[ Ing ]
:
sa ahedres, ang panimulang sulong ng piyesa at kusang pagpapakain nitó upang makamit ang bentaha.