garo
gá·ro
pnr |[ Bik ]
:
túlad o katúlad.
ga·ról
png |[ ST ]
:
pagkakasundo ng mga testigo.
gá·rol
png
1:
pansagka sa dulo ng tikin sa ilalim ng tubig
2:
anumang ginagamit na pansará sa kandado o sa tari ng tandang na pansábong
3:
paninigas ng titi ng batàng laláki.
ga·róng
png
1:
[ST]
pananahan nang hiwalay sa karamihan, gaya ng pananahan sa isang monasteryo o kumbento, o kayâ pananahan nang nag-iisa Cf RETÍRO
2:
[ST]
patpat na ginagamit sa pagbílang
3:
[Ilk]
mataas at bilugáng basket, pinagsisidlan ng bigas, mais, at iba pang butil
4:
Zoo
[War]
alamíd.
gá·rong
png |[ Bik ]
:
biyas ng kawayan na ginagamit na inúman ng tubâ.
ga·ró·te
png |[ Esp garrote ]
1:
instrumentong pambitay na may pansakal sa binibitay
2:
paraan ng pagbitay sa pamamagitan ng pagsakal o pagdurog sa leeg — pnd gá·ro·té·hin,
i·ga·ró·te,
i·páng·ga·ró·te,
máng·ga·ró·te.
ga·ró·te
pnr |[ Esp garrote ]
:
maikli at mabigat.
ga·rót·sa
png |[ Esp garrocha ]
1:
paggamit o pagsusuot ng mamaháling damit sa hindi mahalagang lakad
2:
líbot1-2 o paglilibot — pnd gu·ma·rót·sa,
mag·ga·rót·sa.