gasgas


gas·gás

png
1:
marka o pinsala sa rabaw o balát bunga ng pagkiskis ng ibang bagay, hal gasgas sa kotse bunga ng pagbangga o gasgas sa pintura ng pader bunga ng paglíha : AT-ÁT2, DASDÁS1, HADHÁD1, LISGÍS, LUNTÁY Cf BALIKASKÁS
2:
sugat o pinsala sa balát o rabaw dulot ng madiing pagdaan ng isang matulis na bagay, hal gasgas sa balát bunga ng tinik o gasgas sa pintura bunga ng patalim : AT-ÁT2, DASDÁS1, HADHÁD1, LISGÍS, LUNTÁY Cf GALMÓS, GÁLOS
3:
[Bik Hil Ilk Kap Mag Mrw Pan Tag] kalagayan ng isang kasangkapan na numipis dahil sa matagal na pagkakagamit — pnd gas·ga·sán, gas·ga·sín, máng·gas·gás.

gas·gás

pnr
:
punô ng gasgás o gamít na gamít.

gás·gas

png |Mtr |[ War ]