gawgaw


gaw·gáw

png |[ Bik Hil Ilk Kap Pan Tag Tsi War ]
1:
pinulbos na mais o kamoteng-kahoy na ginagamit na pandikit, pampalapot ng sabaw, at pang-almirol sa damit : ALMIDÓR, ATÓLE, BINUKBÓK, NATÓK, STARCH2, TAYÚBONG, UNÁW Cf BALINGHÓY, GALAPÓNG
2:
Bot halámang-ugat (Tacca pinnatifida ) mula sa silangang India
3:
[ST] paghalò ng anumang bagay gamit ang mga daliri.

gáw·gaw

png
1:
[Hil] yagít
2:
[Pan] kasangkapan para sa paghahalò
3:
[Igo] ritwal ng pangingisda na ginaganap sa pagdiriwang ng bégnas.

gáw·gaw

pnd |gu·máw·gaw, i·gáw-gaw |[ Bik ]